Pilit ko mang itago
Lungkot na nadarama ko
Hindi maaalis sa aking isipan
Na minsan kayo’y aking nilisan
Pangarap natin ay pilit inaabot
Kahit na ang kapalit nito ay lungkot
Sa pagpunta ko sa ibang ibayo
Hinahangad natin atin ding matatamo
Tinatagong kong mga luha
Sa tuwing kayo ay nakikita
Sa webcam na kanilang naimbento
Na kayang itago mga luha sa mga mata ko
Sana sa muling pagsikat na araw
Kayo na ang unang ko matatanaw
At sabay sabay nating haharapin
Lahat ng mga pangarap natin
Ito ay gawa para sa paligsahan ni Iya_khin mula sa When she cries She writes.
salamat sa pagsali kaibigan! dama ko din ang pinagdadaanan mo..talagang mahirap malayo sa mga mahal mo pero dahil din naman sa kanila itong mga pagsasakripisyo.
ReplyDeleteMaganda ang pagkakasulat mo..luha mula sa isang nangibang bansa o lugar..
ReplyDeleteAng layo na ng agwat ng panahon ngayon, mula snail mail, email na, tape recorder, ngayon webcam.
ReplyDeleteMalaking tulong sa ikakapanatag ng damdamin ng mga lumalayo sa kaanak.
Tama ka nga J.Kulisap at dahil dito naiibsan ang kalungkutan ng mga ofw katulad ko..
ReplyDeletesalamat sa komento...
@Iya_khin salamat sa pagtangap ng aking lahok..
ReplyDelete@arvin - salamat kaibigan... hanga din ako sa iyong mga likha
madamdamin kathang tula ng isang dakilang ofw!astig!
ReplyDeleteaww... lavet... galing sa puso.... Godbless! =)
ReplyDelete