Yakap

Itong tula ay gawa ni Jose sa kanyang mahal na asawang si Maria sa kanyang liham.

Palagi kitang hinahanap hanap
Sa gabi unan at kumot na lang ang kayakap
Ikaw ang palagi kong inisip
Sa bawat gabi ng aking panaginip

Higpit ng iyong mga yakap
Ngayon di ko na mahagilap
Sa bawat gabing malamig
Nasan na ang dating iniibig

Patawad at ako ay lumisan
Alam mo naman na ito ay kailangan
Para sa ating mga anak
At para sa buhay na payak

Ilang taon lang naman ang titiisin
At pangakong aking kakayanin
Kahit unan at kumot lang ang kayakap
Hinding hindi ako’y sa iba maghahanap

2 comments: