Sa Bawat Patak ng Ulan


Namumuong ulap sa kalangitan
At nagdidilim na kapaligiran
Si haring araw tila natabunan
Waring tinalo ng mga kaulapan

Hayan na, hayan na!
Ang mga tubig ay pabagsak na
Mula sa mga ulap sa itaas
At sa kalupaan ihahampas

Aking pagmasmasdan ulan mong dala
Dahil bawat pagpatak dala ay pag asa
At Sa bawat buhos dala naman ay ligaya
Sana hindi na tumigil huwag lang sanang bumaha

Naalala ko tuloy aking mga kaibigan
Sa bawat pagpatak ng mga ulan
Sila ang kasama kong nagtatakbuhan
Sa gitna ng kalsadang aming palaruan.

1 comment: